Nakapunta ka na ba sa bayan ng pampanga? Nakita mo na ba ang kanilang mga produkto? Natikman mo na ba ang mga masasarap na putaheng pinagmamalaki ng mga Kapampangan? Aba kung hindi pa, tara na at pumunta sa napakalaking lugar ng Pampanga.

Ang Pampanga ay isang probinsya sa parteng Central Luzon ng Pilipinas. Ang San Fernando City ay ang kapital ng lugar na ito. Ito ay tinuring na first-class at highly urbanized city.
Mga Dinadayong Produkto sa Pampanga

Sisig– isang sikat na pagkain sa Pampanga. Ito ay maaaring maging pangunahing putahe o appetizer. Ito ay inimbento ng isang babaeng Kapampangan na nagngangalang Lucia Cunanan, o mas kilala bilang Aling Lucing- “the sisig queen.” . Ang sisig ay gawa sa mga hiniwang karne ng baboy at atay ng manok.

Tibok-tibok– ito ay isa sa mga specialty ng Kapampangan. Isa itong kalamay na gawa na gatas ng kalabaw. Tinawag itong tibok-tibok dahil kapag luto na ang tibok-tibok, mayroong tunog ito na nahahalintulad sa tibok ng puso.

Mais– ang isa sa mga pangunahing produktong inaangkat sa Pampanga. Dahil nga sa produktong mais, natural lamang ang mga pagawaan ng “popcorn” dito. Gusto ng mga turista ang mga popcorn na inaangkat sa lugar na ito lalo na ang iba’t-ibang lasa.

Giant Lanterns– ito ay talagang popular sa lugar ng San Fernando sa Pampanga. Ang mga malalaking parol na ito ang naghahatid ng saya at kulay sa pasko ng mga Kapampangan. Ito din ang dahilan kung bakit tinawag ang lungsod na “Christmas Capital of the Philippines”.
Bukod sa aking mga nabanggit, tiyak marami pang mga produkto ang makikita mo sa Pampanga. Kaya ano pang hinihintay mo magplano na kasama ang iyong mga pamilya at kaibigan at pumunta sa lungsod ng Pampanga.
